UY! Engineer na Kabit ni Sheerlyn, May Balak na Masama Kay Charlie

Tila nadagdagan ang galit ng publiko sa kwento ng magasawang Charlie na isang tricycle driver at ang misis niyang si Sheerlyn na isang OFW sa Riyadh. Sa unang pagdulog ni Charlie sa Raffy Tulfo in Action, inirreklamo niya si Sheerlyn at ang kalaguyo nitong si Edwin na nakilala lamang niya sa chat habang pareho silang nasa ibang bansa.

Unang desisyon

Noon palang unang episode, sinabi na ni Sheerlyn na si Edwin ang pinipili niya kahit na may limang anak siya kay Charlie. 

Ayon kay Charlie, nakausap na niya si Edwin at sinabi pa nito na kung matapang siya ay gamitin niya yung utak niya para ipadeport sila ni Sheerlyn.

Sa inis ni Raffy, tinawagan niya si OWWA Sec Arnell Ignacio na nainis rin sa kayabangan ni Edwin. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng palabas ay napauwi rin niya at sinundo sa airport si Sheerlyn kinabukasan.

Bastos na Engineer

Matapos ang ilan episode kung saan nagaaway at nagkakagulo ang pamilya ni Sheerlyn at Charlie, laking inis ng mga tao nang sa Part 5 ay ibinunyag ni Charlie na habang magkasama sila ni Sheerlyn at ng mga anak niya, ang lakas pa ng loob ni Edwin na makipagvideo call kay Sheerlyn. 

Noong nakausap ni Charlie si Edwin, nagyabang pa ito na dapat daw ay si Sheerlyn ang kinakausap at hindi siya.

Banta

Dagdag pa ni Charlie, nabasa daw niya umano ang palitan ng mensahe ni Sheerlyn at Edwin dahil kinuha niya ang phone ni SHeerlyn ng ito ay natututulog.

Nakita nito na sinabi ni Edwin kay Sheerlyn na baka daw paguwi niya dito ay tirahin siya ni CHarlie kaya naman dapat daw ay unahan na niya.

Hindi na masyado itong pinansin ni Tulfo, ngunit hindi ito nakaligtas sa galit ng netizens.

Ito naman ang galit na komento ng mga Netizen.

Source: Youtube

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Tell Us What You Think
Loading...