Utos Ng Pangulo Sa Militar: “Pulpugin ninyo ang Abu Sayyaf by whatever means.”

Ilang araw pa lamang ang nakararaan matapos pasabugin ng diumano Abu Sayaff ang isang katedral sa Jolo, Sulu. Marami ang namatay at marami din ang sugatan sa nangyaring insidente. Dahil sa Jolo Cathedral Blast, ipinag-utos ng pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin ang mga Sbu Sayaff. 

Pagsabog Sa Jolo 

Binisita ng pangulo ang Our Lady of Mt. Carmel  kahapon, isang araw ang nakakaraan pagkatapos ng pagbomba. Personal nitonf kinausap ang mga pamilya ng mga biktima at personal na nag-abot ng tulong. Pinangako ng pangulo na mabibigyan ng hustisya ang nangyari. Pahayag ng pangulo sa harap ng militar at mga sundalo, 

“I ordered you to destroy the organization. I’m ordering you now: Pulpugin ninyo ang Abu Sayyaf by whatever means.”

Dagdag ng pangulo sa kanyang pahayag, 

“Meron man tayong helicopter, may eroplano, may mga barko. Eh iyong mga bala natin diyan sa mga kanyon ninyo. Paputukin na ninyo. I-bomba muna ninyo lahat, magbili na tayo ng bagong stock.” 

Pag-ako Ng ISIS 

Matapos ang pagbomba, nagpahayag ang ISIS ng pag-amin na sila ang may gawa ng pambobomba. 

Nagbigay din ng babala ang pangulo sa mga ISIS, 

“Iyong ISIS, kayo rin ang humingi. Uupakan ko talaga kayo. Gagamitin ko lahat.”

Huwag Idamay Ang Mga Tao 

Para sa pangulo, hindi dapat madamay ang mga ordinaryong tao sa laban na ito sa gitna ng militar at mga rebelde. Saad nito, 

“Ang gawin ninyo sabihin ninyo pagka-bobombahin mo ‘yang lahat, paalisin mo iyong mga tao. Paalisin mo ‘yung mga tao, ilagay mo dito kung saan ako ang maggastos ng pagkain, lahat. Tapos plantsahin ninyo ng bala.” 

Pagkukumpirma nito, 

“Kunin ko ‘yung lahat ng inosenteng tao. Halikayo dito, ako ang magpakain muna. Magsakripisyo ako. Hanap ako pera. Tapos pulpugin mo ‘yang teritoryo nila.”

Abu Sayyaf 

Ayon sa otoridad, ang tatlong lalaki na hinihinalang suspek sa krimen na nakita sa CCTV ay miyembro ng Ajang-Ajang Group. Ang grupong ito ay parte ng Abu Sayyaf group. Tinitingnan pa din ng pulisya kung ito ay isang kaso ng suicid3 b0mbing. Aniya ay dalawang tao ang gumawa nito na kung saan ay babae ang syang nagdala ng bomba.

Ngayon ay mahigpit ang seguridad sa Jolo at ito ay naka-lock down sa kasalukuyan. 

Ito naman ang komento ng ilang kababayan natin.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Tell Us What You Think
Loading...