LOOK: Pinay OFW sa Dubai, Tumalon sa Gusali; Niloko Umano siya ng Agency

Maraming OFW domestic helper ang nabibiktima ng mga huwad na ahensya at mga illegal recruiter. Ang iba, sa paghahangan na makaalis agad ng bansa upang masimulan ang pangarap na makapagpadala ng pantustos sa pamilya ay pikit mata na tumataya sa mga ahensya na hindi naman talaga lisensyado. Ang iba naman ay sadyang nabibiktima lamang dala na din ng mga naggagandahang offer sa mga ito. 

Illegal Recruiter 

Kamakailan ay naibalita ng GMA News ang pagtalon sa gusali ng isang OFW na domestic helper sa Dubai. Sa panayam dito, umalis ito noong Disyempre papuntang Dubai. May sumundo dito sa airport at dinala papunta sa ahensya. Ngunit doon ay nanatili ito ng isang linggo. Hindi ito binibigyan ng pagkain, kinumpiska ang telepono upang hindi makatawag sa pamilya, at kinuha din ang kanyang passport. Halo halong takot at pag-aalala ang naramdaman ng ginang. Giit nya, puro pangako lamang ang ibinibigay sa kanya sa usaping trabaho. Aniya ay wala itong choice kundi tumalon sa ikatlong palapag ng gusali upang tuluyang makatakas.

Tumalon Sa Gusali

Isang Pinay naman ang nakakita sa helper at nagmagandang-loob na dalhin ito sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) Dubai. Doon ay nabigyan sya ng mga tulong na kinakailangan nya at kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso nito. Nanawagan din ang ginang na ibalik na ang kanyang passport upang makabalik na ito sa Pilipinas. Miss na miss na nito ang kanyang pamilya at mga anak na naiwan sa Pilipinas. 

Paalala naman ng POEA, laging makipag-ugnayan sa mga ahensya na accredited upang maiwasan ang mga katulad ng nangyari sa ginang na naloko. 

Karapat-dapat Sa Tulong Ng OWWA 

Tila naman nagpatutsada ang mga netizen sa OWWA na ang mga ganitong kaso ang dapat na tinutulungan ng gobyerno. Ang mga inabuso, sinasaktan, minamaltrato ng mga amo, at mga biktima ng ilegal na recruiter ang dapat na pinagtutuunan ng pansin, at di umano ang mga nangalunya sa ibang bansa. 

Ubusin Ang Mga Ilegal Na Ahensya 

Hiling ng mga netizen na matupok at maubos na ang mga illegal recruiter na nagpapahamak sa maraming OFW. Ganunpaman ay dapat na mas maging alerto at istrikto sa pag-aapply ang isang indibidwal upang maiwasan ang mga manloloko. 

Ito naman ang komento ng ilang kababayan natin tungkol dito.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Tell Us What You Think
Loading...