LOOK: All Out War Laban Sa Abu Sayyaf, Inumpisahan na Ng Militar!

Isang araw matapos ang pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ay personal na dinalaw ng pangulong Duterte ang aktwal na lugar ng pinangyarihan. Iniutos ng pangulo sa militar, pulbusin ang ASG na syang tinuturong salarin sa pambobomba sa katedral. Pangako ng pangulo sa mga pamilya ng mga biktima, kakamtan ang hustisya na nararapat sa mga mahigit 20 na napaslang at higit 100 na sugatan. 

All-out War 

Ngayong araw lang ay sinimulan na ang “all-out war” na hamon ng pangulo. Nagkaroon ng airstrike at binomba ang mga positibong lokasyon ng mga Abu Sayyaf. Layon nito na pulbusin at tapusin na ang paghahasik ng lagim nito sa mga tao. 

Mga Sugatan At Napaslang Sa Pagsabog 

Madami ang naapektuhan sa dalawang magkasunod na pagsabog ng bomba sa loob at labas ng katedral. Isa sa mga sugatan ay mangilan ngilan na sundalo. Isa sa mga ito ay si CPL Ruel naapektuhan ang pandinig pagkatapos madinig ang malakas na pagsabog. Aniya ay gustuhin man niya na tulungan ang nakitang matanda, wala na din ito nagawa dahil tumilapon na din sya bunsod ng ikalawang pagsabog. Ang isa naman na private ay lubos na ninais na tumulong sa mga kapwa nito sugatan ngunit sya mismo ay sugatan na din. Tinamaan ito ng shrapnel na syang nakapagpahina dito. 

Depresyon 

Ngayong araw ay dinala ang mga sugatan na nagpapagaling pa sa ospital sa Zamboanga upang mas matutukan at mamonitor ang kanilang pagpapagaling. Higit na tutok ang ospital sa trauma na naidulot ng trahedya. Ang mangilan sa kanila ay diumano nakakaramdam ng depresyon. 

Suporta Ng Netizens 

Suportado naman ng mga netizen ang all-out war na hamon ng pangulo sa mga rebelde. Hindi lamang sa ASG maging man sa ibang rebelde na din sa Mindanao. Anila ay oras na din para matapos na ang panghahasik ng mga ito ng lagim at takot sa puso ng mga tao. Hiling ng mga netizen ay maubos na ang tinatawang nilang “salot sa bayan.” Dahil sa mga ito ay umano kawawa at naiipit sa gitna ang mga inosenteng tao. Nagiging collateral ang mga walang kamuwang-muwang sa laban sa gitna ng gobyerno at mga rebelde. 

Ito naman ang agaw pansin na mga komento ng ilang kababayan natin.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Tell Us What You Think
Loading...