Grabe! Edwin at Sheerlyn, Bastos na Nag-video call Kahit nasa Harap ni Charlie at ng Mga Anak

Noong nagsumbong si Charlie sa Raffy Tulfo in Action bitbit ang limang anak niya upang ireklamo ang asawa niyang si Sheerlyn at ang karelasyon niyang Engineer sa ibang bansa, marami ang nagalit sa dalawa.

Lalo pang namuo ang galit ng mga tao nang makausap ng programa si Edwin at marinig na napakayabang ng dating ito at ito pa ang nambabanta kay Charlie at naghahamon na kung gagamitin daw ni Charlie ang utak niya ay sana padeport niya itong mga to.

Rebelasyon

Sa mga susunod na mga parte ng kwento nila, walang narinig na kahit ano sa panig ni Edwin, sa kabila ng paghiling ng mga tao na ipadeport na rin at ikulong, walang balita na dumadating na ganun. 

Subalit nang ipalabas ang ikalimang episode, lumabas nanaman ang galit ng mga tao nang ibalit ni Charlie ang isang rebelasyon.

Video Call

Ayon kay Charlie, walang galang si Edwin at si Sheerlyn na nagvideo call pa habang sila sana ay nasa isang family bonding bago umuwi si Sheerlyn sa Gen San. 

Kinausap pa umano ni Charlie si Edwin na kung pede sana ay bigyang galang naman ang pamilya nito. Ngunit si Edwin ay sinabihan siya na imbes na siya ang kinakausap dapat daw ay si Sheerlyn ang kausapin nito. Na para bang ipinalalabas na si Sheerlyn lamang ang may gusto nito.

Sa galit ni Charlie ay namura niya si Edwin ngunit imbes na ipagtanggol ni SHeerlyn, ay siya pang nagalit dito.

Kasal

Ikinwento din ni Charlie na nakita niya ang mga mensahe ni Edwin at Sheerlyn sa isa’t isa at ang balak nilang magpakasal. Sa katunayan, nasa group chat pa si Edwin kasama ang buong pamilya ni Sheerlyn, doon nabasa ni Charlie na sa paguwi ni Edwin sa February 1, didiretso daw ito kila SHeerlyn at pormal na hihingin ang kamay nito sa kanyang mga magulang.

Masakit man, minabuti ni Charlie na tanggapin nalang na hindi na sila magkakaayos ni Sheerlyn.

Ito naman ang naging komento ng ilang mga kababayan natin tungkol dito.

Source: Youtube

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Tell Us What You Think
Loading...